1. Hindi ka pwedeng mahiya kasi pobre ka. Pag nahiya ka habambuhay kang magiging pobre.
2. If you stand on your ground, no one can push you around.
3. A secure and confident women sees man as a bonus. Not a necessity. Just wait. Huwag magmadali.
4. Dedikasyon at determinasyon ang importante para matuto at maka survive sa negosyo.
5. Bawat sentimo mahalaga huwag mong sasayangin ang iyong pinaghirapan para lang sa luho.
6. Kahit na anong hirap ang pinagdaanan ko, hindi ako sumuko. Because I trust God. I am his child and He promised to bless me and I claimed it. Naninwala ako at patuloy na maniniwala sa Kanyang pangako. Hindi sinungaling ang ating Diyos.
7. Hindi ako titigil sa pagtatrabaho dahil iyon ang bumubuhay sa akin at dahil dito ako nakakatulong sa maraming tao.Hindi ko sasayangin ang natitira ko pang lakas. I still thirst for learning despite my age.
8. Hindi pwede ang pwede na.Ano man ang gawin mo, ibigay mo ang best mo.
9. Huwag kang maarte sa trabaho.
10. Magkaroon ng inisyatibo sa bawat trabaho. Gamitin ang isip. Kaya ka nga binigyan eh. Huwag hayaang mabulok ang utak sa bungo mo. . Ayaw ni Lord yan.
11. Hindi mo dapat kaawaan ang sarili at ang kapwa. Iniinsulto mo ang Diyos na Siyang Lumikha.
Mind you, Lola Mely is already 82 years old, Filipina, has an amazing memory, and still managing her construction supply business empire at Bulan, Sorsogon and Manila up to this date. I really admire her. Everytime we have a meeting I secretly write down some of her words of wisdom. Just shared some of it and I will continue to share whenever I have the chance to meet and hear her...!
No comments:
Post a Comment